Namahagi ng tulong ang International Organization for Migration sa mga bakwit sa Iligan City na naapektuhan ng bakbakan sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Kristoffer James Purisima, kabilang sa mga ipinamahagi ng I.O.M. ay school supplies, lamesa at upuan.
Nagsagawa rin ang gobyerno ng relief distribution sa mga internally displaced person sa iba’t ibang bahagi ng iligan at Lanao del Norte.
Samantala, nagpaabot din ng tulong ang social housing finance corporation sa ilalim ng housing and Urban Development Coordinating Council gaya ng food packs, hygiene kits at gamot sa tent city sa barangay Campong, Pantar, Lanao del Norte.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
SMW: RPE