Inimbitahan ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel ang International Parliamentary Union Committee on the Human Rights of Parliamentarians na bumisita sa Pilipinas para personal na makita ang nakakulong na si Senador Leila de Lima.
Ito’y matapos magpahayag ng pangamba ang nabanggit na komite ng IPU sa kaso laban kay De Lima.
Sinabi ni Pimentel na kung kinakailangang gawing opisyal ang pag-imbita sa mga ito ay handa niya itong gawin.
Handa ring samahan ni Pimentel ang IPU Committee on the Human Rights of Parliamentarians sa pagbisita kay De Lima basta’t maluwag ang kanyang iskedyul.
By Meann Tanbio | Report from Cely Bueno (Patrol 19)