Nasa India ngayon si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Red Maranan upang dumalo sa gaganaping International Police Organization Conference mula October 18 hanggang October 21.
Ito’y ang taunang pagpupulong ng mga pinuno ng law enforcement unit mula sa iba’t-ibang mga bansa kung saan tinatalakay ang transnational crimes at mga hakbang sa pagsugpo ng krimen.
Kaugnay nito bilang pansamantalang kahalili ni Azurin , itinalaga bilang officer in charge ng PNP si Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia na siya rin ngayong tumatayo bilang Acting Deputy Chief for administration.
Kung saan kanina lamang ay pinangunahan ni Sermonia ang flag-raising sa camp crame at paglagda sa isang memorandum of agreement sa pagitan ng PNP at Eye Bank of the Philippines, Inc. - sa ulat ni Agustina Nolasco (Patrol 11)