Iginiit ng bagong Japanese Foreign Minister ang patuloy na international pressure para pasukuin ang North Korea sa nuclear program nito.
Sinabi ni Minister Taro Komo na kailangang magtuluy tuloy ang pag uusap ng Amerika, South Korea, Russia, China at maging ang Japan para sa denuclearization ng Korean Peninsula.
Magugunitang nuong nakalipas na linggo ay naging ma tensyon ang sitwasyon dahil sa palitan ng maaanghang na salita nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un na umabot pa sa banta ng NOKOR na pagpapalipad ng missile sa Guam na ipinagpaliban ni Kim.
By: Judith Larino
SMW: RPE