Binisita ni indian Prime Minister Narendra Modi ang International Rice Research Institute sa Los Baños, Laguna, kahapon.
Binigyan ng briefing si Modi ng mga Indian Scientist hinggil sa benepisyo ng special rice varieties na ikinukunsiderang malaking tulong sa mga magsasakang Indiano.
Ipinabatid sa Indian Prime Minister na aabot sa isa hanggang tatlong tonelada ang maaaring i-produce kada ektarya kahit labing-apat hanggang labingwalong araw nakalubog sa tubig ang mga “flood-tolerant” rice variety.
Kabilang ang India sa mga dialogue partner ng association of Southeast Asian Nations.