Unti-unti nang luluwagan sa tamang panahon ang International Tourism sa Pilipinas makaraang ibaba sa Alert level 2 ang COVID-19 quarantine restrictions sa Metro Manila upang manumbalik ang mga negosyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, “very encouraging” at isang magandang senyales ang pagbaba sa Alert level 2 ng National Capital Region.
Sa issue naman ng timeline ng pagpasok ng tourist visa holders sa bansa, inihayag ni Roque na titingnan pa nila ang mga karanasan ng ibang bansa na nagbukas na para sa international tourism.
Pinag-aaralan din anya ng pamahalaan ang mga panawagan na palawigin ang “green list” nito ng mga lugar o bansa kung saan hindi na kailangan ng mga biyahero na sumailalim sa facility-based quarantine pagdating sa Pilipinas kung mayroong negatibong COVID test result. —sa panulat ni Drew Nacino