Umaasa ang Bureau of Immigration na magiging maayos ang 2022 international travel sa gitna ng banta ng omicron variant ng covid-19 sa bansa.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, malaki ang posibilidad na makakabangon muli ang sektor ng turismo dahil sa isinasagawang vaccination program ng pamahalaan.
Bagama’t ang pagpasok ng omicron variant at pagsalanta ng bagyong Odette ay isa sa dahilan ng pagbagal ng recovery ng bansa, nakitaan pa rin ng mataas na bilang ng mga travelers ngayon kumpara nuong nakaraang taon.
Sa katunayan aniya, dumoble ang bilang ng mga international travelers nitong nakaraang kapaskuhan kumpara nuong 2020 sa kabila ng mga ipinatupad na travel restrictions.
Tiniyak naman ng BI Chief na magtatalaga sila ng mas maraming tauhan sa airports at seaports para mas mabantayan ng mabuti ang mga biyahero.
Samantala, nangako naman ang BI na mas pa-iigtingin nila ang kanilang serbisyo sa international travelers.