Ibinalik na ng Norwegian telecommunication na Telenor ang data network sa Myanmar ngayong linggo matapos ipag-utos ng military na pansamantala itong patayin dahil sa kaguluhang nagaganap sa bansa.
Batay sa ulat ng Reuters, ibinalik ng Telenor ang koneksyon base sa mandato ng Myanmar Ministry of Transport and Communications (MoTC).
Matatandaang may malawakang protestang nagaganap ngayon sa Myanmar bilang paglaban sa kudeta na nagaganap sa bansa. —sa panulat ni Agustina Nolasco