Bahagyang bumilis ang internet connection para sa mobile at fixed broadband sa bansa, noong Setyembre.
Ito’y makaraang ipanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga telecommunications company na ayusin ang kanilang serbisyo.
Ayon sa industry monitor na Speedtest Global, umabot sa 11.95 megabits per second ang average download speed para sa mobile internet noong isang buwan kumpara sa 10.47 mbps noong agosto at 8.18 mbps noon namang Setyembre ng isang taon.
Dahil dito, umakyat sa 94th rank ang puwesto ng Pilipinas mula sa 99th spot para sa mobile internet speed.
Para naman sa fixed broadband, sumampa na sa 13.41 mbps ang average download speed noong Setyembre kumpara sa 13.29 mbps noong Agosto at 8.76 mbps sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ito rin ang naging daan upang umakyat sa 88th ang world ranking ng Pilipinas mula sa 91st.
—-