Tiniyak ni incoming Information and Communications Technology Secretary Ivan Enrile Uy na i-pa-prayoridad niya na mabigyan ng internet connectivity ang mga malalayong lugar sa bansa upang magkaroon ng access sa medical services at mapahusay ang education system.
Ayon kay Uy, makailang-ulit silang nagkaroon ng pulong kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang talakayin ang mga programa na ipatutupad sa ilalim ng bagong administrasyon.
Kabilang anya ang pagbibigay ng internet connectivity sa malalayong sa marching orders ni PBBM upang magkaroon ng maayos na education system, partikular ang online learning ng mga estudyante.
Binigyang-diin ni Uy na mas lalong kailangan ang internet ngayong may pandemya upang mabigyan ng access sa medical services ang mga lugar na kailangan ng telemedicine.
Ang internet anya ay may malaking bahagi sa buhay ng mga pilipino at mahalagang ma-improve ang digital infrastructure at ito ang unang bagay na kailangang tugunan.