Bahagya pang bumilis ang internet ng Pilipinas noong isang buwan.
Base ito sa bagong datos ng global speed monitoring firm speedtest ng Ookla.
Sa bagong Ookla Speedtest Global Index, kapwa tumaas ang fixed broadband at mobile download speeds ng bansa noong Nobyembre.
Bumilis ito sa 75.02 megabits per second (mbps) mula sa 71.08mbps na naitala noong Oktubre habang ang fixed broadband download speed level ay nasa 5.54% month-to-month improvement.
Indikasyon din ito na nagkaroon ng improvement na 848.42% sa fixed broadband download speed simula noong July 2016.