Na-delay ang apat na flights ng daan-daang mga pasahero ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-2 nang magkaroon ng internet outage ang isang airline.
Dahil sa kawalan ng koneksyon, napilitang gumamit ng manual check-in ang AirAsia Philippines sa mga pasahero ng domestic flights.
Nagdulot ito ng mahabang pila at pagka-delay ng flights.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), nagsimula sa information technology (IT) at telecommunication provider ng AirAsia Philippines ang outage nang hindi na makakonekta ang kanilang sistema sa server.
Wala namang nakanselang flights dahil sa naturang insidente.