Pinakilos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang National Telecommunications Commission (NTC) na pagmultahin ang Internet Service Providers (ISPs) dahil sa kabiguang pigilin ang child pornography.
Ito, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ay matapos makita ang data hinggil sa na dobleng kaduda-dudang transaction reports na may kaugnayan sa online sexual exploitation sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa ilalim ng Republic Act 9775, dapat ipaalam ng ISPs sa Philippine National Police (PNP) o National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng pitong araw matapos makakuha ng mga impormasyon at pagkakataon na nagamit ang server o facility nito sa anumang uri ng child pornography.
Nakasaad din sa batas ang pag-iinstall ng lahat ng ISPs ng available technology, program o software para matiyak na maba-block o ma-filter ang access o transmittal sa anumang uri ng child pornography.