Kumpiyansa si dating DITC Undersecretary Eliseo Rio na bibilis pa ang serbisyo ng internet sa susunod na taon.
Ito aniya ay dahil sa mga pagbabagong ginagawa para mabauti ang internet speed ng bansa.
Ani Rio may katotohanan ang sinasabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na bumilis na ang internet sa bansa dahil kumpara noong nakalipas na dalawang taon kung saan mayroong 20 mbps ang internet speed ngayon ay nasa 25 mbps na ito.
Paliwanag ni Rio talagang nagkukulang ang bansa sa imprastraktura para rito.
Ngunit dahil sa naging babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga telcos lalo pang naging masikap ang mga ito para ayusin ang kanilang serbisyo.