Malaki na umano ang ibinilis sa internet connection ng Pilipinas mula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte ayon sa pinakamalaking computing platform sa mundo na Akamai.
Ayon sa Akamai, pumalo sa 14.73 mbps o 97 percent ang ibinilis ng download speed ng Pilipinas nitong Abril habang ang broadband speed ay umangat din ng 7.91 mbps o 135.90 percent.
Mas mataas ito mula sa dating 7.44 mbps na average download speed at 7.91 mbps fixed broadband speed sa unang buwan ng termino ng pangulo noong 2016.
Dahil dito, positibo ang Akamai sa kanilang forecast hinggil sa estado ng internet sa Pilipinas matapos na aprubahan ng pangulo ang planong pagtatatag ng national broadband network.