Bumilis ang internet speed sa Pilipinas sa huling buwan ng taong 2022.
Batay ito sa pinakabagong datos na inilabas ng global speed monitoring firm speedtest na Ookla.
Sa pinakabagong speedtest global index report ng Ookla, tumaas ang mobile download at fixed broadband speeds sa bansa noong Disyembre.
Tumaas ang mobile median download ng bansa sa average na 25.12 megabits per second kumpara sa 24.04 mbps noong Nobyembre.
Samantala, bumilis din ang fixed broadband median download speed level sa 87.13 mbps noong Disyembre mula sa 81.42 mbps na naitala noong Nobyembre.