Muling susuriin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang bilis ng internet sa Pilipinas sa katapusan ng buwang kasalukuyan.
Ito’y ayon kay NTC Commissioner Edgard Cabarios, kasabay sa target na petsa ng mga provider para sa kumpletong paggawa ng cell sites sa bansa.
Ayon kay Cabarios, nagkaroon naman ng average speed sa internet na siyang indikasyon na nagkaroon ito ng pagbabago.
Sa panig naman ng Malakaniyang, inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na muling kakalampagin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Globe at smart sakaling mabigo ang mga ito na maabot ang itinakang deadline.