Bumilis pa ang internet speed sa Pilipinas nitong Hulyo.
Batay sa global speed monitoring firm na Speedtest by Ookla, umakyat sa ika-84 na pwesto ang Pilipinas sa 140 bansa.
Ito ay matapos bumilis sa 22.56 megabits per second (mbps) ang mobile download median speed ng bansa, mula sa 21.41 mbps noong Hunyo.
Samantala, ini-ranggo rin ang Pilipinas sa ika-46 na pwesto sa kabuuang 182 bansa para sa fixed broadband.
Kasunod ito ng pagbilis ng fixed broadband median download speed ng bansa sa 75.62 mbps mula sa 68.94 mbps noong Hunyo.
Ang pagbilis ng internet speed sa Pilipinas ay dahil sa agarang paglalabas ng permit ng mga LGU sa mga telcos company.