Bumilis pa ang internet speed sa Pilipinas sa buwan ng Agosto.
Batay sa internet speed monitoring firm speedtest ng OOKLA, umakyat sa ika-45 pwesto ang Pilipinas sa 182 na bansa.
Ito ay matapos bumilis sa 78.33 megabits per second o mbps ang fixed broadband median download speed ng bansa, mula sa 75.62 mbps noong Hulyo.
Pagdating naman sa mobile internet median speed, umakyat sa ika-82 ang pwesto ng Pilipinas mula sa ika-84 noong Hulyo.
Kasunod ito ng pagbilis ng mobile median download speed sa 22.35 mbps.
Sa 50 asian countries, nasa ika-14 na pwesto ang Pilipinas pagdating sa fixed broadband at ika-29 naman sa mobile.
Nasa 12th spot naman ang bansa sa fixed broadband at 17th naman sa mobile sa Asia Pacific Region.