Umakyat ang ranking ng Pilipinas sa usapin ng fixed broadband at mobile global performance figures ng Ookla.
Batay sa report ng Ookla, bumilis o nasa 944% growth ang average fixed broadband download speed dahilan nang pag-angat ng bansa sa ika 113 rank sa pinakahuling speedtest global ranking o mula sa pang 176 bago ang Duterte administration ay pang 63 na ngayon.
Itinuturing ding impressive, ayon sa DICT ng 467% growth ng average mobile internet speed sa bansa.
Sinabi ng NTC National Telecommunications Commission na ang anito’y record breaking improvement sa internet speeds mula 2020 hanggang 2021 bunsod na rin ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang pag-iisyu ng permit ng Local Government Units.