Ilulunsad na ng National Telecommunications Commission o NTC ang kanilang aktuwal na speed testing para sa fixed internet setup simula Oktubre 19 hanggang 31.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Delilah Deles, isasagawa ang internet speed test sa apat na tukoy na lokasyon at 6 na hindi tukoy na lokasyon.
Ang apat ay ang Eusebio High School sa Rosario, Pasig para sa internet connections ng PLDT; Bago-Bantay Elementary School sa Quezon City para sa Bayantel; Manila City Hall para sa Skycable at Santo Niño Elementary School sa Marikina para sa Globe Telecom.
Ang anim na hindi tinukoy na lokasyon ay mga lugar sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at inaasahang magdaragdagan ang mga test location sa mga susunod na araw hanggang October 31.
Isasapubliko naman ang mga resulta ng test sa mga pahayagan upang mabatid ng mga consumer kung anong internet service provider ang totoo sa kanilang mga ipinapangakong speed.
By Drew Nacino