Sisimulan na ng COMELEC, katuwang ang technology supplier na Voatz, sa Setyembre 11 ang unang bahagi ng internet voting test run nito.
Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, alas-8 ng umaga ng Setyembre 11 hanggang alas-8 ng gabi ng Setyembre 13 gagawin ang test run.
Sinabi ni Jimenez na ang voting list ay ipo-post sa official Facebook page ng Office for Overseas Voting na nagpapakita ng last name, first name at middle initial ng mga participant.
Bukod sa Voatz, magsasagawa rin ng test runs ang COMELEC sa Indra at Smartmatic sa buwang ito.
Hunyo nang lumagda ang COMELEC sa Memorandum of Agreement sa tatlong solution providers para sa live test runs ng Internet Voting Systems.