Nanawagan ang OCTA research group sa gobyerno na paiksiin ang interval ng dalawang dose ng Sinovac at Astrazeneca COVID-19 vaccine.
Ayon kay OCTA research Fellow Nic Austriaco, ito ay upang mas marami ang mabakunahan at maproteksyunan laban sa mas nakahahawang delta variant.
Iminungkahi ni Austriaco na bawasan ng 14 na araw ang interval para sa dalawang dose ng Sinovac.
Sa kasalukuyan, apat na linggo ang interval ng dalawang dose ng Sinovac vaccine habang 12 linggo naman ang interval para sa Astrazeneca.
Inihayag din ni Austriaco ang pag-aaral ng Turkey sa Sinovac vaccine kung saan 83.5% itong epektibo sa dalawang linggong interval ng dalawang dose nito.
Gayundin aniya ang pagiging epektibo ng Astrazeneca vaccine na may walong linggong interval.―sa panulat ni Hya Ludivico