Kinansela ng United States embassy sa Pilipinas ang mga interview appointment para sa mga non-immigrant visa applicants ngayong buwan sa gitna ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa US Embassy, ang pagkansela ng mga appointment ay nagsilbing pag-iingat upang pigilan ang pagkalat ng virus.
Dadag pa ng embahada, na walang karagdagang bayad para sa pagpapalit ng mga appointment.
Samantala, pinayuhan naman ang mga aplikante na bisitahin ang official website ng US embassy sa Pilipinas para sa karagdagang impormasyon. —sa panulat ni Kim Gomez