Inaprubahan na ng pamahalaan ang Interzonal travel para sa mga fully-vaccinated individuals.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito’y batay sa Resolution No. 124-B na inilabas ng Inter-Agency Task Force(IATF).
Gayunman, sinabi ni Roque na dapat magpakita ng domestic vaccination card ang biyahero o kaya’y certificate of isolation mula sa Bureau of Quarantine.
Isasalang pa rin naman sa health & exposure screening ang mga travelers na kumpleto na sa bakuna pagdating nila sa kanilang destinasyon.
Kung ang isang fully-vaccinated person naman ay close contact ng hinihinalang tinamaan o may COVID-19, isasailalim ito sa mas maikling quarantine period kung walang sintomas na nararamdaman sa loob ng pitong araw.
Maliban dito, sinabi ni Roque na susundin ang testing at isolation protocols kapag nagpositibo ito o kaya’y nakitaan na ng mga sintomas.
Mahigit 2.7 milyong indibidwal na ang fully-vaccinated sa bansa o katumbas ng 4.7% ng 58 milyong Pilipino na target mabakunahan para maabot ang herd immunity ngayong taon.