Muling binuhay ng isang international human rights group ang kanilang panawagan sa United Nations o UN na imbestigahan ang drug-related killings sa pilipinas at maging ang DDS o Davao Death Squad.
Ito’y matapos ang ginawang public confession ni Retired SPO3 Arthur Lascañas kung saan inakusahan nito si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga insidente ng pagpatay na ginagawa ng DDS.
Ayon kay Phelim Kine, Deputy Asia Director ng Human Rights Watch, dapat imbestigahan ng UN ang pagkamatay ng mahigit 7,000 katao sa ilalim ng ‘war on drugs’ ng administrasyong Duterte.
Idinagdag pa ni Kine na mistulang politically motivated ang ginagawa ng Duterte administration dahil sa kagustuhang isulong ang kaso laban kay Senador Leila De Lima.
Matatandaang si De Lima ang nanguna sa imbestigasyon ng DDS noong siya pa ang pinuno ng Commission on Human Rights.
By Meann Tanbio