Nananawagan ng joint investigation ang isang international human rights group upang silipin ang iba pang posibleng secret jail sa mga istasyon ng pulis sa buong bansa.
Ayon sa grupong Human Rights Watch o HRW, dapat tingnan ng National Bureau of Investigation at Commission on Human Rights (CHR) kung mayroong itinatagong kulungan upang maipasara ang mga ito.
Umapela rin ang HRW na palayain na ang mga nakapiit sa sikretong selda sa Manila Police District station 1 sa Tondo at bigyan ng proteksyon laban sa mga abusadong pulis.
Magugunitang sinibak sa pwesto ni National Capital Region Police Office chief, Dir. Oscar Albayalde ang hepe ng station 1 na si Senior Supt. Robert Domingo at mga tauhan nito matapos madiskubre ng CHR ang secret detention cell.
PNP chief Ronald Dela Rosa, binakbakan ng CHR sa issue ng secret detention facility sa Maynila
Muling binakbakan ni Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon si Philippine National Police (PNP) Chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa matapos nitong kuwestyunin ang team ng CHR na nag-inspeksyon sa Manila Police District (MPD) station 1 na nagresulta sa pagkakadiskubre sa isang sikretong selda.
Sa ipinadalang text message sa DWIZ ni CHR media director Joel Sarmenta, sinabi ni Gascon na tila kinukunsinte ni Dela Rosa ang kamalian ng kanyang mga tauhan na isang repleksyon na wala itong alam sa konstitusyon at legal provisions na nagbabawal sa paglalagay ng secret detention facilities ng mga awtoridad.
Hinamon naman ni Gascon si Dela Rosa na maglunsad ng full audit sa lahat ng piitan sa ilalim ng PNP upang matiyak na walang kahalintulad na insidente na nadiskubre sa MPD station
Welcome din anya sa CHR ang hirit ni Dela Rosa na bisitahin din ang iba pang bilangguan upang alamin kung mayroong itinatagong mga sikretong selda ang iba pang istasyon ng pulis.
By Drew Nacino
Int’l Human Rights Group nanawagan ng joint investigation hinggil sa ‘hidden jail’ sa Maynila was last modified: April 30th, 2017 by DWIZ 882