Humingi na ng paumanhin si Quezon City Discipline Task Force Chief Ariel Inton sa may-ari ng sasakyan na nabasagan niya ng salamin dahil sa illegal parking sa Timog Avenue.
Sa kabila nito, desidido pa rin umano ang motorista na sampahan ng kaukulang kaso si Inton bunsod ng nangyari sa kanyang sasakyan.
Magugunitang nagsasagawa ng operasyon ang task force nang makita ang sasakyan na iligal na nakaparada pero walang lumitaw na may-ari nang ipatawag ito ni Inton kaya’t sa galit niya ay binasag niya ang salamin nito.
Aminado naman si Inton na nawala siya sa tamang diskarte na humantong sa nabanggit na pangyayari.
Nagkasa na ng hiwalay na imbestigasyon ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon City hinggil sa naturang insidente.