Nakuha ng Intramuros sa Maynila ang titulong Asia’s Leading Tourist Attraction sa World Travel Awards 2022.
Naganap ito sa Ho Chi Minh City, Vietnam noong Miyerkules.
Naungusan ng bansa ang iba pang destinasyon tulad ng Angkor Temple sa Cambodia; TAJ Mahal sa India; The Great Wall, the Forbidden City at Terracotta Warriors sa China; at Tokyo Imperial Palace sa Japan.
Maliban dito, itinanghal din ang Pilipinas bilang Asia’s Leading Dive Destination at Asia’s Leading Beach Destination.
Pang-6 na beses na itong pagkilala sa bansa para sa dive destination at pang-4 na taon para sa beach destination.
Lubos naman ang pasasalamat ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa mga award at tiniyak ang pagpapanatili nito sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Ang world travel awards ay isang London-Based competition na itinuturing na ‘oscars’ sa industriya ng paglalakbay.