Nanganganib kapusin sa inuming tubig ang Legazpi City, Albay.
Isinisi ng Legazpi City Water District o LCWD ang nagbabadyang water shortage sa provider nitong Philippine Hydro Incorporated dahil sa kabiguang maglatag ng mga hakbang upang maabot ang water requirements para sa libu-libong residente.
Ayon kay LCWD Spokesman Richard Atun, ang Philhydro ay nagbabayad ng 8.1 million pesos kada buwan para sa 20,000 cubic meters ng tubig kada araw o 600,000 cubic meter kada buwan.
Gayunman, mas mataas anya sana ang water supply kung tinupad lamang ng Philhydro ang kasunduang naglalayong dagdagan kada taon ng 1,000 cubic meter per day ang supply.
Ang kakulangan ng tinatayang 7,000 cubic meters ng tubig kada araw ay naging resulta upang maapektuhan ang nasa 4,000 consumer lalo sa mga mataas na lugar gaya ng mga Barangay Old Albay District.
Ang Philhdryo ay pinangangasiwaan ng Maynilad at nag-seserbisyo sa tinatayang 21,000 household sa 70 barangay sa lungsod.
By Drew Nacino