Maaari nang bumili ang mga ospital at local government units ng investigational drug na Ronapreve.
Sa ilalim ng Administrative Order 2021-0053 na inisyu ng Department of Health (DOH), pinahihintulutan nang bumili ang mga medical facilities at mga lokal na pamahalaan ng mga gamot para sa COVID-19 na may eua.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi na kailangang ang DOH pa ang bumili at magpa-allocate sa lahat ng ospital ng naturang mga gamot upang agad na magamit sa mga pasyente.
Mababatid na inaprubahan ng FDA noong October 1 ang EUA ng Ronapreve bilang panggamot sa mild-to-moderate na mga kaso ng COVID-19.
Kabilang rin sa mga ginagamit na mga COVID-19 Investigational Drugs sa bansa ay ang Molnupiravir, Remdesivir, Tocilizumab, at Baricitinib. —sa panulat ni Hya Ludivico