Matagumpay na nakakalap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng iba’t ibang investment deals na nagkakahalaga ng $4 billion sa kanyang three-day working visit sa Berlin, Germany.
Kabilang sa mga kasunduang ito ang pamumuhunan para sa fully integrated solar cell manufacturing facility sa bansa at pagkakaroon ng partner hospital na magsisilbi rin bilang training center para sa mga mas maliliit na pagamutan.
Mayroon ding nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ang Pangulo para sa rehabilitasyon ng mga nasirang lupang sakahan at Letter of Intent (LOI) na lilikha ng Innovation Think Tank hub.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang German investors sa kanilang patuloy na tiwala sa kakayahan at talento ng mga Pilipino.