Aabot sa 4.9 billion dollars o 257.2 billion pesos ang nilagdaang trade at investment pledges ng Pilipinas at South Korea sa tatlong araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa SoKor.
Kabilang sa mga nilagdaan ang planong konstruksyon ng planta ng Hyundai Motor Corporation sa Pilipinas na inaasahang makapagbibigay ng mahigit 50,000 bagong trabaho.
Sinaksihan ni Pangulong Duterte ang paglagda sa 23 investment deals bago ang kanyang pagbabalik-bansa bukod pa sa 1 billion dollar Official Development Assistance na pangako ng SoKor sa Pilipinas.
Tiniyak naman ng Pangulo sa mga negosyanteng Koreano na maglalagak ng puhunan na ligtas sila sa Pilipinas sa kabila ng kanilang pangamba sa seguridad dulot ng pagpaslang sa South Korean businessman na si Jee-Ick Joo.