Umabot sa mahigit 325 bilyong pisong ang naitalang investment projects sa unang walong buwan ng taong kasalukuyan.
Ayon sa Board of Investments, mas mataas iyon ng 38 porsyento kumpara sa mahigit 235 bilyon sa parehong panahon noong isang taon.
Sinasabing nakapag-ambag ng malaki sa pagtaas ng investment projects ay ang pag-apruba ng NEDA o National Economic Development Authority sa 299 na proyekto mula Enero hanggang Agosto.
Dahil dito, sinabi ni DTI Secretary Mon Lopez na hindi malayong matamo ng Pilipinas ang target na kalahating bilyong pisong investment approvals dahil karaniwang nakatutok ang mga investors sa sektor ng enerhiya, agrikultura at imprastraktura.
—-