Balik-bansa na si Pangulong Noynoy Aquino mula sa apat na araw na state visit nito sa Japan.
Dala ni Pangulong Aquino ang kanyang mga pasalubong tulad ng mas maraming investment at pagpapalawak ng mga Japanese business sa Pilipinas.
Ayon kay Ginoong Aquino, tinatayang 30,000 karagdagang trabaho ang maaaring likhain sa oras na lumawak ang Japanese investment sa bansa.
Inihayag din ng Pangulo na handa ang japAn na pondohan ang tatlong pinakamalaking infrastracture project sa Pilipinas.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)