Muling binatikos ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang panibagong power rate hike ngayong Oktubre.
Ayon kay Zarate, dahil sa napakamahal na koryente ay ayaw nang pumasok ng mga investor sa bansa.
Giit ng mambabatas kung hindi bababa ang singil sa koryente, sa ekonomiya ng bansa ang magiging balik nito.
Kasabay nito umapela si Zarate sa Meralco na maging responsableng korporasyon at isaalang-alang ang kalagayan ng mga consumer sa gitna ng kinakaharap na pandemya.
Aniya, maaari namang i-delay o i-absorb ng Meralco ang tinatawag na ‘pass on charges’ dahil hindi nila ito ikalulugi.
Nauna nang inanunsiyo ng Meralco ang P0.0283 per kilowatt-hour na dagdag-singil sa koryente ngayong buwan dahil sa mas mataas na transmission charge.
Ito na ang ika-pitong sunod na buwan na magpapatupad ang Meralco ng power rate hike.