Asahan nang dadami ang mga investor matapos lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Tax Incentives Management and Transparency Act o TIMTA Law.
Ito, ayon kay Senate Ways and Means Panel Chair at Sen. Sonny Angara, ay dahil isinusulong ng TIMTA ang transparency at accountability.
Aniya, kapag dumami ang mga foreign investor ay tiyak ding dadami ang trabaho at aangat ang ekonomiya ng bansa.
By Jelbert Perdez