Tuluyan nang pinawalang bisa ng Bureau of Immigration ang Investor’s Visa ni Chinese Businessman Jack Lam.
Pinakansela na ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang Subic Clark Investors Visa ni Lam.
Ang Visa ni Lam ay isang uri ng special visa na iniisyu ng gobyerno sa mga dayuhang negosyante na naka base sa Clark Freeport sa Pampanga.
Ibinaba na lamang sa temporary visitor visa ang pribilehiyo ng nasabing Chinese businessman.
By: Judith Larino