Papalitan na ang dating panuntunan ng International Olympic Committee (IOC) para sa paris 2024 olympics.
Sa 2015 guidelines pinapayagan ang mga atletang transgender na makapaglaro base lamang sa kanilang testosterone level.
Sinabi ni Kaveh Mehrabi, Direktor ng IOC athletes department, inabot ng dalawang taon bago ma-pag-pasiyahan ang bagong panuntunan.
Mahalaga aniya ang pakikipag-usap kasama ang 200 at 50 stakeholders kaysa bumase sa konklusyon.
Ang bagong panuntunan ay naglalaman ng sampung prinsipyo na nagsasaad ng paggalang sa karapatang pantao.—sa panulat ni Joana Luna