Pinaiimbestigahan ni Senator Raffy Tulfo sa Land Registration Authority (LRA) ang mga kaso ng land grabbing sa palawan at iba pang lalawigan.
Sinabi ni Tulfo na ang lubhang naaapektuhan ay ang mga magsasaka at katutubo.
Maliban dito hinikayat ni Tulfo ang pamunuan ng LRA na aksyunan ang malawakang korapsyon sa ahensiya.
Karamihan aniya sa mga reklamo sa kanya ay mula sa mga magsasaka na nagsangla ng titulo ng lupa dahil sa matinding pangangailangan at kung tutubusin na nila ay malalaman na wala na sa kanilang pangalan ang titulo.