Nadagdagan pa ang mga itatalagang pulis sa kalakhang Maynila para magbigay seguridad sa ika-apat na SONA o State Of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.
Ayon kay NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar, aabot sa kabuuang 15,000 mga PNP Personnel ang kanilang ipapakalat.
14,000 aniya rito ay mga pulis habang nasa 1,000 ang mga force multipliers.
Dagdag ni Eleazar, 9,000 ang ipakakalat sa Quezon City partikular sa Batasan kung saan gaganapin ang SONA ng pangulo.
Kasabay nito, tiniyak ni Eleazar na wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad sa darating na SONA pero patuloy aniya ang kanilang isinasagawang mahigpit na monitoring.