Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa, isa na namang pasanin ang kakaharapin ng mga Pilipino.
Ito ay matapos itaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rate cap sa mga transaksyon sa credit card simula sa Pebrero.
Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, naglabas ng resolution no. 55 noong Enero 13 ang Monetary Board ng Central Bank, na nagpapataas ng maximum interest rate o finance charge na 3% na ipinataw sa hindi pa nababayarang outstanding credit card balance ng isang cardholder ng 100 basis points.
Mula ito sa 2% kada buwan o 36% kada taon.
Ang umiiral na buwanang add-on rate na maaaring singilin ng mga credit card issuer sa installment loan, ay pinanatili sa pinakamataas na rate na 1%.
Mananatili naman sa P200 kada transaksyon ang maximum processing fee sa pag-avail ng credit card cash advances.