Nanawagan si martial law survivor at dating Commission on Human Rights (CHR) chair Etta Rosales sa gobyerno na siguruhing hindi maibabalik sa kamay ng pamilya Marcos ang mga ipasusubastang mga Marcos jewelries.
Una nang sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi maaring pigilan ang pamilya Marcos kung nanaisin nilang mag-bid para muling makuha ang mga alahas.
Ayon kay Rosales, kung magkagayon ay posibleng magmula pa rin sa ill – gotten wealth ng pamilya ang ibabayad nila sa naturang mga alahas.
Sa halip na ipasubasta, mas pabor si Rosales na ilagay sa isang museo ang magagarang alahas ng mga Marcos bilang paalala sa naging kasalanan ng Marcos sa sambayanang Pilipino at hindi ito makalimutan.
Una nang nagbigay ng go signal ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbebenta ng P704-M na jewelry collection na bahagi ng ill-gotten wealth na binawi sa pamilya Marcos.