Magpupulong ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa darating na Martes, ika-27 ng Abril.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año na ang naturang pulong ay para talakayin ang kanilang magiging rekomendasyon hinggil sa susunod na ipatutupad na quarantine status sa NCR plus.
Dagdag pa ni Año, bukod sa NCR plus quarantine status, ay tatalakayin din ang ipatutupad na restriksyon sa iba pang lugar gaya ng Abra at Quirino.
Mababatid na oras na makabuo ng rekomendasyon ang mga miyembro ng IATF ay ibibigay ito kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pinal na desisyon.
Sa katapusan ng buwan o Abril 30 ay nakatakdang magtapos ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR plus.