Hindi makakaapekto sa pagko-commute ng mga pasahero ang ipatutupad na expanded number coding scheme sa Lunes, Agosto 15.
Ito ang tiniyak ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Carlo Dimayuga III sa gitna ng pagkabahala ng ilang sektor na mahirapan sa pagsakay ang mga pasahero kung malilimitahan ang bilang ng mga sasakyan sa pagbiyahe, lalo na’t nalalapit na ang muling pagbubukas ng klase.
Aniya, sinisiguro ng ahensya na magdaragdag ito ng unit para sa edsa bus carousel at magtatalaga rin ng 2,336 traffic enforcer upang makatulong sa pagmamando ng trapiko.
Nabatid na epektibo ang naturang scheme sa lunes, mula alas-syete ng umaga hanggang 10 ng umaga at 5 ng hapon hanggang 8 ng gabi.