Nagbigay ng bagong update ang action star na si Robin Padilla sa pagbubuntis ng asawa nitong si Mariel Rodriguez.
Ayon sa Instagram post ni Binoy posibleng maging triplets ang magiging anak ng mag-asawa.
Sa ibinahaging picture ng ultrasound ni Mariel, sinabi nitong ayon sa kanyang doktora, puwede raw maging triplets o kambal ang kanilang anak.
Dagdag pa nito na ang isa ay may heartbeat na, ang isa rin ay nasa tinatawag na sac at ang isa ay nabubuong fetal pole.
Binigyan naman ng pangalan ni Robin ang kanilang mga magiging anak na sina Maria, Juan at Gabriealla de Padilla.
By Krista de Dios