Hindi inaalintana ng DOT o Department of Tourism ang ipinalabas na ulat ng WEF o World Economic Forum kaugnay ng mababang tourism security rating ng Pilipinas.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, tiwala silang makakabawi rin ang Pilipinas sa tulong ng ipinatutupad na martial law sa Mindanao.
Aniya, hindi magtatagal ay manumbalik rin ang kumpiyansa ng mga turista sa seguridad ng bansa.
Batay sa 2017 Travel and Tourism Competitiveness Index ng WEF, nasa ika-pitumput siyam (79) ang ranking ng Pilipinas sa isang daan at talumput anim (136) na mga bansa sa usapin ng seguridad ng mga turista.
Bumaba rin sa ika-isang daan at dalawamput anim (126) ang Pilipinas sa safety at security.
By Krista De Dios