Iginagalang ng Malakanyang ang ipinalabas na writ of kalikasan ng Korte sSuprema kaugnay sa pagprotekta at pag preserba sa maritime enviroment ng bansa sa West Philippine Sea.
Sa kabila nito, dumipensa naman ang Palasyo at iginiit na hindi nagkukulang ang pamahalaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa sakop ng exclusive economic zone ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, ginagawa ng Philippine Coastguard at ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang kanilang tungkulin na nilalaman naman ng kautusan ng Korte Suprema.
Kumikilos din aniya ang pamahalaan laban sa mga environmental concerns na ginagawa ng mga Chinese sa pinag aagawang teritoryo.