Tatanggalin na ang kontrobersiyal na birthday cake na ipinamumudmod sa mga senior citizens sa Makati City.
Ayon kay acting Makati Mayor Romulo “Kid” Peña, papalitan na lamang ng pera ang mga ipinamimigay na cake upang magkaroon ng opsyon ang mga matatanda.
Maaari aniyang ibili na lamang ng pagkain o kaya naman ay gamot na di hamak na mas mahalaga kumpara sa mga cake.
Matatandaang minsan nang nabanggit sa pagdinig sa senado na overprice ang cake na ipinamimigay na isinusuplay umano ng kumpanyang pag-aari ng mga Binay.
By Rianne Briones