Hindi agad matatanggap ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang 23 mga attack helicopters na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay National Defense Spokesman Director Arsenio Andolong, aabutin pa ng hanggang dalawang taon ang proseso sa pagbili at pagde-deliver ng mga nasabing bagong attack helicopters.
Dagdag pa ni Andolong, ang inisyal na plano ng DND ay ang bumili at magkumpuni ng mga second hand na helicopters subalit nagbago ito nang manungkulan na si Pangulong Duterte kaya’t bahagyang natagalan ang proseso.
Matatandaang, inihayag ni Pangulong Duterte na bumili ng mga bagong helicopters ang pamahalaan nang bumisita ito sa mga sugatang sundalo sa army general hospital sa Taguig noong Martes.
—-